Kalayaang Isipan

 Maraming uri ng kalayaan. Kalayaan sa paggalaw, kalayaan sa paglabas ng sariling damdamin, kalayaang maging masaya, kalayaang gawin kung ano ang nais ng iyong puso, kalayaang magmahal, at marami pang iba. Marami sa atin ang may hangad ng iba't ibang uri ng kalayaan. May ilan na gusto lamang ang mamuhay ng malaya at makapag isip nang may kalayaan. Gaya nalang ng mga taong may mga depresyon na kung saan gusto nilang makalaya sa mga bagay na gumugulo at sinasabi ng kanilang mga utak.

Gaya na lamang sa aking mga nababasa na ilan sa mga sanhi ng kanilang sakit sa isip ay ang kanilang mga pamilya na kung saan hindi sila pinaniniwalaang mayroong sakit sa utak na tinatawag nilang Mental Disorder. Karapatan nilang mapakinggan at maging malayang ipakita ang kanilang mga nararamdaman upang atin silang matulungan sa pagsubok na kanilang hinaharap. Ngunit sino ang tutulong sakanila kung pati na ang kanilang mga pamilya ay tinatalikuran sila?

Sa aking pananaw, ang kalayaan ang isang karapatan ng tao na gawin kung ano ang sa tingin nila ang magpapasaya sakanila. Kaya't ang pakikinig sa mga taong malayang nakukuwento ng lungkot at kanilang problema ay hindi dapat mawala. Bilang isang kabataan na nakakasaksi ng maraming mga taong nagpapakamatay dahil sa depresyon, nagsasalita ako na palagi kayong malaya na ilabas ang lahat ng nararamdaman na hindi niyo na kayang buhatin. Na kayo ay malaya na maging masaya kasama ang mga taong mahal niyo at mahal kayo. Karapatan niyong maging malaya sa inyong isipan at maging malayang ihatid sa buong mundo na nakaya niyong labanan ang isang bagay na maraming tao ang sumuko.

Comments

  1. psst pakiopen tas comment mo na ang ganda ng author

    ReplyDelete
  2. naks nakakaproud talaga, matalino tas maganda hays all in one package sa'n ka pa rojan๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†

    ReplyDelete
  3. Kalayaan/ freedom,
    Pwedi bang ipasok ang human rights? HAhha ��

    ReplyDelete
  4. Hi Chang, nakalimutan ko pass ko e HAHAHAHAHHA

    ReplyDelete

Post a Comment